Sabayan ko ang SONA. (Please feel Free to share para sa mga umuuwing OFW na CLARK ang lapag)

Hindi ito FAKE NEWS!
Para sa kaalaman ng lahat lalo na sa mga kababayang OFW na lalapag ng Clark Airport, PAMPANGA.

I just want to share my 5 STAR SERVICE experienced mula sa OWWA, CRK AIRPORT at ng LOCAL GOVT UNIT ng City of San Fernando Pampanga, na aking nasaksihan sa pag-uwi from Dubai last July 22, 2020.

No need to fill-up any online forms dahil lahat ng kailangan ay ibibigay sayo while on board.

From my flight Emirates EK2952 nakalapag ako ng CRK around 3pm ng hapon ng July 22.

Nag pahuli ako lumabas ng eroplano dahil madami akong hand carry, as the airport staff are very strict sa social distancing nag-stay muna ng airplane hanggang kaunti na lang ang pila.

Paglabas ko papunta sa pila kung saan iaasign ang hotel, sinalubong ako ng masayang pagbati ng isang staff na kahit naka mask bakas sa babae ang pagngiti 🙂” welcome back po Sir, ang daming dalang pasalubong ni Sir”

Then another guy approached me &
Ask if OFW, I said yes, so he instructed me to take a seat and hand over me forms needed to fill-up. Sa uupuan mo may mineral water na libre. Bibigay din yung guidelines para sa Quarantine.

Magagalang at mabibilis ang pagkilos Ng mga staff, very helpful at super assist.

After makuha ang Hotel assignment, upo ulit sa pila para sa Swabbing test.

Note: LIBRE PO ANG HOTEL AT SWABBING TEST
(Active man or inactive ang membership mo sa OWWA)

When its my turn for swab testing, staff were wishing me “ Kaya yan Sir”, “Trust lang po tayo kay Lord negative yan”

By the way dalawang swabbing ginawa, Isa sa nose at isa sa throat.

Una sa nose( naluha ako At parang nasipon after)

Yung sa Throat (kala ko Masusuka ako) Pero maayos Pa din ang pag manage.

After ng swabbing diretso sa immigration tapos sa claiming na ng baggage. Since
Last passenger na ako, di na Ako nahirapan.

After diretso Sa Custom para ihandover yung nafill-up na Custom declaration Form.

Then guided pa din, paglabas ng airport pipila Ka sa designated Bus according to your hotel assignment. May mag-aabot sa yo ng 1pc Jollibee Chicken Joy with rice plus mineral water. Libre po ito.

Kapag sasakay ng provided Bus may mag-aasist sayong mga bagahe. May social distancing din sa loob GENESIS Bus. Libre din po ito.

Pagdating ko ng Woodland Hotel Resort for my quarantine home while waiting for the Swabbing result. ( Sayang at puno na ang mga 5star hotel sa loob ng Clark, dahil yung mga kakilala ko na nauna ng lipad may na-accommodate sa Mimosa at Widus nevertheless malinis, tahimik at malakas ang wifi sa Woodland, cable din ang TV. So no way kang maiinip.)

Pag dating sa Hotel, May taga-OWWA sasalubong sa yo, Apat-apat ang labas sa bus para ma-assist.

Ilalabas ang mga bagahe at isasanitize ang mga ito, at tutulungan kang maidala sa room mo.

One person per room. Bawal lumabas at gumala sa Hotel strict sila.

May rasyon ng food ang OWWA sa hotel, gaya sa first night CHICKEN ADOBO, rice, banana at water.

May toiletries din alloted for 3days.

Beside sa bottled mineral water per meal bibigyan ka ng 6liters mineral water.

Bibigyan ka din 1 pack of sky flakes at 3 sachet of KOPIKO at 3 NISSIN CUP noodles.

Every day an OWWA representative will monitor your temperature.

Your food will be served on time.

Kahit rasyon ito from OWWA masasarap ang luto at sapat ito. Everytime ibibigay ito maganda ang serbisyo at laging nasa oras.

First day:
Breakfast: Dinuguan with rice & tuyo & mineral Water
Lunch: Menudo with rice, mineral water at minatamis na sabang saging
Dinner: Laing with rice, mineral water, plus Lechon kawali at atchara.

2nd day:
Breakfast: Fresh Lumpia with rice, embotido & mineral water
Lunch: Tinolang native chicken with rice, mineral water & fresh pineapple cuts
Dinner: Chicken Asado rice, fresh vegetables salad & mineral water.

3rd day:
Breakfast: Pancit Palabok, kutsinta & mineral water
Lunch: Tilapia, ginisang kamatis, talong & rice plus mineral water with macaroni salad.

On my 4th day lumabas ang NEGATIVE RESULT.

Ng sinabi ko na walang magsusundo akin, they relay immediately sa Local Govt Office ng San Fernando para maihatid ako sa bahay kung saaan ako mag seself-quaranting ng 14 days.

At 2pm ng July 25, 2020, inassist ako sa paglabas sa hotel at binigay sa akin ang certificate ko na NCOV NEGATIVE.

Sinundo ako ng Local Govt Office ng City of San Fernando At hinatid sa na ako. Pagkatapos nito they went to Barangay Calulut & reported me.

I thought its a big hassle ang pag-uwi sa epidemyang ito.

Ngunit sa pinarandam ng GOBYERNONG ito na importansya at pangangalaga sa akin bilang OFW, I felt so blessed.

Parang bakasyon grande at hindi panlulumo ang mararandaman mo.
Walang negative vibes, sa mga taong sumalubong sayo at maayos ang mga serbisyo. Walang nangikil, walang nagsamantala at walang nagparinig na parang gustong managa. SERBISYONG TOTOO lang.

Ni piso wala akong ginastos. Libre lahat!

Mabait si Lord! May pag-asa ang Pilipinas! May pagbabago sa Gobyerno!
Wag puro nega!
Wag puro lapses lang ng gobyerno ang ipakita!
Wag puro FAKE NEWS!
Wag laging REKLAMO!
I-appreciate ang Ginagawa ng administrasyon ng Pangulong DUTERTE.

Salamat din sa aming Pampanga Gov. Delta sa
malasakit.

Again kudos sa lahat ng frontliners NG CLARK AIRPORT, sa mga OWWA STAFF, at Driver ng City of San Fernando.

Thank you for your support & assistance!
Job well done! Keep up the good work!
God bless you!

& thank you Lord too for
The NEGATIVE results! 🙂